Patay ang aabot sa 32 katao sa pinakahuling airstrike na isinagawa sa Raqqa Syria ngayong linggo.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, 24 na Islamic State fighters at 8 sibilyan ang nasawi sa insidente.
Hindi naman malinaw kung inilunsad ng Syrian, Russian o US-led coalitions warplanes ang airstrike na kumitil sa buhay ng 32 katao.
Photo Credit: AP