Nakapagtala 24 na kumpirmadong kaso ng Cholera habang dalawa ang namatay sa Negros Occidental.
Pinakamaraming kaso ang Talisay City na sinundan naman ng mga kalapit na Bayan ng Silay at E.B Magalona na may tig limang kaso ng naturang sakit.
Dahil dito, inatasan ang mga lokal na pamahalaan na maglagay ng food and drinking water quality monitoring committees subalit sa 31 LGU’s, 11 lang ang naluklok ng mga naturang komite.
Nabatid na naitala ang pamahalaang panlalawigan ang unang kaso nito noong Enero 2022.
Samantala, binabantayan din ng lalawigan ang mga kaso ng typhoid fever. —sa panulat ni Jenn Patrolla