Umabot na sa 24 na bayan at 4 na siyudad sa Pilipinas ang isinailalim sa kontrol ng Commission on Election (COMELEC).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Jean Fajardo, kinabibilangan ito ng mga sumusunod;
- ang Pilar, Abra
- sa Maguindanao; ang Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag at Sultan Kudarat
- sa Lanao del Sur; ang Marawi City, Maguing, Tubaran, Malabang
- sa Misamis Occidental, ang; Calamba, Concepcion, Don Victoriano Chiongbian (o Don Mariano Marcos), Lopez Jaena, Aloran, Baliangao, Bonifacio, Clarin, Jimenez, Panaon, Plaridel, Sapang Dalaga, Sinacaban, Tudela, Ozamiz City, Tangub City at Oroquieta City.
Ang mga nabanggit na lugar ay mahigpit na babantayan ng PNP, AFP at PCG sa darating na halalan 2022.