Dalawampu’t apat (24) katao ang sinentensiyahan ng parusang bitay ng isang korte sa Iraq.
Ito’y matapos mapatunayang pinaslang ng mga miyembro ng Islamic state ang halos 2,000 sundalo nang kubkubin ng grupo ang lungsod ng Tikrit.
Pinalaya naman ng korte ang apat pang akusado dahil sa kawalan ng ebidensya laban sa mga ito.
Matatandaang nilusob ng mga rebelde ang maraming teritoryo sa Iraq noong Hunyo ng nakaraang taon at minasaker ang maraming miyembro ng security forces.
By Jelbert Perdez