Ipinag-utos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na alisin sa kani-kanilang pwesto ang 24 na pulis na nagsagawa ng operasyon kay Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Leyte Sub Provincial Jail
18 sa mga ito ay mga tauhan ng CIDG Region 8 habang 6 ang mula sa PNP Maritime Group Region 8.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, epektibo kahapon ang kautusang ni Dela Rosa.
Ayon pa kay Carlos, ililipat muna ang mga ni-relieve na mga pulis sa personnel holding and accounting unit ng Kampo Crame habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal