Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa ang pagsibak sa puwesto sa 24 na pulis na nanguna sa operasyon laban kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na nauwi sa pagkamatay ng alkalde.
Sa ipinalabas na press statement ni Dela Rosa sinabi nitong ang direktiba ay ‘effective immediately’, matapos na ma-assess ang inisyal na resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
Kasama sa 24 na ni-relieve sa puwesto ang 18 miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 at 6 naman mula sa Regional Maritime Unit Region 8.
Kasalalukyang inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Crame ang mga sinibak para harapin ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng PNP sa insidente.
Kasabay nito tiniyak ni Dela Rosa na walang mangyayaring white wash sa imbestigasyon, sinigurong lalabas ang katotohanan at pananagutin ang mga nagkasala.
(Details from Jonathan Andal / Patrol 31)