Itinalaga na ng korte suprema ang 24 na testing centers para sa mga kukuha ng bar examinations sa apat na araw ng linggo sa buwan ng Nobyembre.
Dahil dito,pinayuhan ni Associate Justice Marvic Leonen, Chairperson ng 2020/2021 bar ang examinees na i-check na ang local testing center na malapit sa kanilang lugar para hindi na masyadong gumastos sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa testing centers sa NCR ang Ateneo De Manila University Law School sa Makati City – 269 slots, Manila Adventist College sa Pasay City – 450 slots, University of Makati – 1,000 slots, FEU Manila – 600 slots, UST – 500 slots.
Sa Cordillera Administrative Region , St. Louis University School of Law sa Baguio City – 1,035 slots .
Pinayuhan ng high tribunal ang bar examinees na i-check ang kanilang website para sa iba pang testing centers sa iba pang rehiyon ng bansa.