Sisimulan na bukas, Agosto 8 ang 24 oras na bakunahan sa lungsod ng Maynila.
Inanunsyo ito mismo ni Manila Mayor Isko Moreno matapos aniyang maglabas ng guidelines ang DOH na dapat sundin ng bawat LGU para matiyak ang ligtas at efficient na pagbabakuna sa gitna ng umiiral na ECQ sa Metro Manila.
Kaugnay nito, tiniyak ni Moreno ang pagpapatupad ng mahigpit na scheduling system para sa pagbabakuna sa mga paaralan kung saan bibigyan ang bawat barangay ng slot numbers na ipapamahagi sa kanilang mga residenteng nais magpa bakuna.
Samantala, suspendido muna ngayong araw na ito ang pagbabakuna sa lungsod ng Maynila para bigyang daan ang ilang adjustments sa vaccination protocols habang nasa ECQ ang kalakhang Maynila at pagsisimula ng 24/7 na pagbabakuna kontra COVID-19.