Dalawampu’t apat (24) na mga party-list organization ang diniskwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) para sa May 2019 midterm elections.
Sa ipinalabas na resolution number 10273 ng COMELEC, kanilang ipinag-utos ang pagkansela sa rehistro at pagtanggal sa listahan ng mga nasabing grupo dahil sa kabiguan ng mga itong makakuha ng upuan o makilahok sa dalawang nakaraang eleksyon.
Kabilang sa mga party-list na nabigong nakakuha ng upuan o manalo sa dalawang nakaraang elesyon ay ang disabled/PWD, Sanlakas, Abante Retirees, 1-Abilidad, PISTON, Ale, Ang Prolife, Ating Guro, Umalab Ka, AMA, Amor Seaman, 1-Aalalay, MTM Phils, Ang Kasangga, Agham, Migrante, Awat, Mindanao at 1-Pabahay.
Limang grupo naman ang hindi nakalahok sa dalawang nakaraang hahalan kabilang ang ARCAPP, Bida, Chinoy, Sabod at WPI.
Habang nabigo namang makasama sa 2016 election at hindi rin nakakuha ng puwesto noong 2010 at 2013 ang Cocofed Party-list Group.
Binibigyan naman ng COMELEC ang mga nasabing party-list na mahain ng kanilang Motion for Reconsideration matapos opisyal na matanggap ang resolusyon.
—-