Dalawampu’t apat (24) ang nasawi habang 13 ang patuloy na nawawala sa Cagayan Region kasunod ng malawakang pagbaha doon dahil sa Bagyong Ulysses.
Batay ito sa pinakahuling inisyal talaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa nakuha nilang impormasyon sa iba’t ibang ipinadalang search and rescue teams.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Army, Philippine Air Force at Navy.
Nakatutok aniya ang nito sa bahagi ng Sto. Tomas, Isabela; Sta. Ana Cagayan, Tuguegarao City; Ilagan, Isabela at Sta. Praxedes Cagayan.
Dagdag ni Arevalo may naipadala ring search and rescue teams sa ilan pang mga munisipalidad ng cagayan tulad ng Gattaran, Pamplona, Rizal, Lasam At Alcala.