Sinimulan na ng mga otoridad ang paglikas sa 2,400 pamilya o 10,000 indibidwal na nakatira sa loob ng 4 na kilometrong radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon.
Humigit-kumulang 390 pamilya naman na nakatira sa labas ng PDZ ay inilikas din.
Daraga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Bim Dineros, dahil sa nangyaring pagsabog, ay inilikas ang mga naturang indibidwal para hindi na sila pabalik-balik sa kanilang kabuhayan.
Samantala, nabahala naman ang ilan sa mga evacuees matapos silang ilipat sa ibang lokasyon at ibang silungan.
Ipinaliwanag ng Municipal Social Welfare and Development Office na ito ay dahil sa instruction ng evacuation committee, partikular ba mula sa Barangay Chairperson .
Magugunitang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert status ng Bulkang Mayon mula 2 -3 noong Huwebes ng hapon. Ngunit nanatiling posible ang pagtaas nito sa Alert level 4.
Sa kaso ng alert level 4, sinabi ng mga opisyal ng pampublikong kaligtasan ng albay na ililikas nila ang karagdagang 4,600 pamilya o 16,000 indibidwal mula sa 7-8KM radius extended danger zone.