Inaasahang made-decongest na ang mga quarantine facility sa Metro Manila.
Ito’y matapos simulan na ang malawakang pagpapauwi sa mahigit 24,000 stranded na OFW sa iba-ibang pasilidad sa kalakhang Maynila.
Nagrereklamo na kasi ang maraming OFW dahil sa pagkakatengga ng mga ito sa nasabing mga pasilidad ng napakatagal bunsod umano ng mabagal na testing o matagal na paglabas ng resulta ng nasabing pagsusuri.
Sinagot naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastos sa pasamahe pauwi ng mga OFW sa kani-kanilang lalawigan.
Kasabay nito, nakiusap ng OWWA sa local government units na huwag na muling isailalim pa sa quarantine ang mga uuwing OFW.