Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mapauwi sa loob ng tatlong araw ang 24,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na matagal nang nakatapos ng kanilang quarantine at nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tugon ito ni Labor Secretary Silvestre Bello sa isang linggong ultimatum na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte para mapabalik sa kani kanilang probinsya ang mga OFWs.
Ayon kay Bello, sisimulan nila agad ngayong araw na ito ang pagpapauwi sa unang batch ng 8,000 OFWs.