Aabot sa 246 ang naitalang karagdagang bagong kaso ng COVID-19 ng Department of Health ngayong araw na pinaka mababa ngayong taon.
Ayon sa DOH, umabot na sa 3, 677, 616 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Nasa 41, 145 naman ang mga aktibong kaso na patuloy pang nagpapagaling mula sa virus infection habang kabuuang 3, 577, 433 na indibidwal ang gumaling naman sa nakahahawang sakit.
Samantala, pumalo naman sa 59, 038 ang kabuuang bilang ng mga naitalang nasawi sa COVID-19.
Nangunguna pa rin sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng nakakahawang sakit sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region (NCR); sumunod ang Region 4A at Region 6.
Sa ngayon nasa 24.64% ng Intensive Care Units para sa mga COVID-19 patients sa Pilipinas ang okupado habang nasa 22,000.04 naman ang isolation bed ang nagagamit sa ngayon habang 13.66 ng ward beds ang nananatiling okupado. —sa panulat ni Angelica Doctolero