Pumalo 246 na religious leader ang nag-apply ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence ayon sa Philippine National Police.
Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde, na 188 sa nasabing bilang ay mga pari habang 58 naman ang mga ministro at pastor.
Paliwanag ni Albayalde, posibleng nag-apply ang ibang religious leaders para sa proteksyon ng kanilang buhay at ang iba naman ay maaaring libangan lamang.
Kasabay nito, nilinaw ni Albayalde na mababang kalibre lang ang kanilang pinapayagang dalhin ng mga sibilyan kabilang na rito ang mga religious leaders.
Samantala, hindi naman nakukumpirma pa ng PNP kung armado rin ba si Father Richmond Nilo na pinatay sa Nueva Ecija.