Naglatag ang Bureau of Corrections (BuCor) ng ‘assistance desks’ para sa mga susuko pang heinous crime convicts.
Ayon kay Melvin Buenafe, Officer-in-Charge ng (BuCor), 24 oras na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga ito.
Magugunitang noong miyerkules ay binigyan ng 15 araw na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte ang humigit-kumulang 2,000 inmates para sumurender.
Babala ng pangulo, ang hindi makakahabol sa deadline ay mahaharap sa warrantless arrest.