Binigyang-diin ni Interior Secretary Eduardo Año ang kahalagahan ng magdamagan o 24/7 na pagbabakuna sa Metro Manila para maiwasan ang pagkalat pa ng virus.
Ayon kay Año na sa lalong madaling panahon ay dapat na itong gawin para mapabagal din anito ang hawaan ng COVID-19 maging ang mga variant nito na lumalabas na mas nakahahawa.
Kasunod nito, giit ng opisyal na target nilang maiturok ang nasa 4-M doses ng bakuna kontra COVID-19 sa Metro Manila para masiguro ring ligtas ang mga residente nito.
Samantala, sa Maynila naunang sinabi ni Mayor Isko Moreno na kanilang isasagawa ang 24/7 walang tulugang bakunahan sa panahon ng muling pagsasailalim ng rehiyon sa enhanced community quarantine o ECQ mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.
Dahil dito, nanawagan din si moreno ng karagdagang volunteers sa hanay ng mga medical at non-medical professionals para makatulong sa naturang programa ng pamahalaang lungsod.