Nanindigan ang isang Lider ng Kamara na wala sa layunin ng Imbestigasyon ng House Tri-Comm na supilin ang kalayaan sa pamamahayag.
Nilinaw ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na kabilang sa nasabing imbestigasyon na matugunan ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa mga social media platform.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng Tri-Comm mula sa privilege speech ni Rep. Barbers noong Disyembre 16 at sa resolusyon ni House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
Ayon pa kay Cong. Barbers, Lead Chairman ng House Quad Comm at Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, nais nilang magtakda ng mga alituntunin o best practices sa pagpapalaganap ng impormasyon sa social media.
Dagdag pa ng kongresista, tanggap nila ang pambabatikos dahil bahagi ito ng demokrasya…pero iginiit na kontra sila sa pagpapakalat ng maling balita o “Fake news”.