Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang 24/7 complaint center para sa magiging problema na may kaugnayan sa sim registration.
Ayon kay DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo, ikinokonsidera nilang test period ang unang dalawang linggo ng pagpapatupad ng sim registration dahil sa mga glitches o technical issues na kanilang inaasahan.
Lahat aniya ng mga concern para sa pagpapatala ay maaring iderekta sa nasabing center bilang support system sa pamamagitan ng hotline na 1326.
Samantala, nakapailalim sa Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) ang complaint center.