Tinatayang 24,000 passport applications ang ibinasura ng DFA dahil sa maling impormasyon ng pangalan at kapanganakan ng applicants.
Ipinabatid ito ni DFA Undersecretary Brigido Dulay, bagama’t apat sa 100 applicants ang may isyu sa kanilang passport applications.
Kasabay nito, pinayuhan ni Dulay ang mga OFW na may concern na gamitin ang courtesy lane ng DFA o magpa-appointment sa online system sa website ng ahensiya.