Hiniling ng Davao City Government sa IATF na ilagay sa MECQ ang lungsod sa loob 25 araw.
Ayon sa City government kailangang ipatupad ang 25 day MECQ simula bukas, Hunyo 5, para sa anito’y circuit breaker na tutugon sa pagsirit ng kaso ng COVID -19 sa Davao City.
Hanggang kahapon, ang Davao City ay nakapagtala ng 2,013 active cases at 17, 528 total cases ng COVID -19.
Una nang inilagay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa GCQ ang Davao City at iba pang lugar sa buong buwang ito.