Arestado ang 25 katao sa unang araw ng gun ban bilan bahagi ng panahon ng eleksyon.
Sa isang press conference, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na 27 armas ang kanilang nakumpiska, 168 rounds ng bala, pitong patalim at mahigit sa 20 gun replicas.
May mga nakumpiskahan rin anya sila ng shabu at gas pipes.
Ayon kay Albayalde, halos 4,500 checkpoints ang nailatag nila sa buong kapuluan para maayos na maipatupad ang gun ban.
Hindi kabilang dito ang mahigit sa 500 checkpoints na inilagay nila sa mga lugar na masasakupan ng bagong bangsamoro in the Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“The election period maybe considered generally peaceful yet it depicts that violent incidents may still occur die to the number of confiscated or seized firearms and the entire ARMM with the for coming plebiscite for the Bangsamoro Organic Law will be held. The PNP conducted 580 checkpoint operations with addition to 8 more joint checkpoints with the Armed Forces of the Philippines.”
(with report from Jaymark Dagala)