Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 25 bariles ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu mula sa isang barko na dumating mula sa Cebu galing sa Liberia.
Ayon sa Kapitan, inutusan lang sila ng may-ari na dalhin ang mga kemikal na kailangan sa paglilinis ng barko mula sa Japan.
Hindi rin makapagbigay ng dokumento ang mga naarestong indibidwal sa Bureau of Customs (BoC).
Pahayag naman ng PDEA, labag sa batas ang pagpapadala ng hydrochloric acid ng walang dokumento.
Gayunman, nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ng (BOC) at PDEA ang pamunuan ng barko. —sa panulat ni Jenn Patrolla