Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 25 buhay na ahas na nagkakahalaga ng P300,000 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon kay district collector Carmelita Talusan, kabilang sa mga nadiskubre sa DHL warehouse ang dalawang makamandag na cobra, walong pit vipers, at 15 Sailfin Lizards.
Sinasabing idineklara ng isang Adrian Lim bilang souvenir items ang kargamento na nakapangalan o naka-consign sa isang Ryan Su sa Taiwan.
Binigyang diin ni Talusan na magpapatuloy ang kanilang matinding kampanya laban sa illegal wildlife trade.
Sasampahan ng mga kaukulang kaso ang mga suspek.