Patay ang tinatayang nasa dalawampu’t limang (25) miyembro ng prominenteng Jihadist group sa airstrike sa northern Syria.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, hindi pa malinaw sa ngayon kung sino ang naglunsad ng pag-atake laban sa grupong Jabhat Fateh Al-Sham na kilala dati bilang Nusra Front.
Kabilang sa mga nasawi ang pangunahing miyembro ng grupo na nagsasagawa ng pagpupulong nang ilunsad ang pag-atake.
Iginiit naman ng Russia at Turkey na ang naturang grupo ay hindi kasama sa ceasefire deal sa Syria.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters