Halos 30 indibidwal na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior sa National Museum sa Lungsod ng Maynila ang na-hilo at high blood.
Ayon sa Department of Health (DOH), dinala sa tent ng medical team sa museyo ang mga pasyenteng pawang edad 40 hanggang 55.
Siyam pang indibidwal na dumalo rin sa naturang aktibidad ang nagpa-check ng kanilang blood pressure.
Bago magsimula ang inagurasyon ay naging maulan pero kalauna’y tumindi naman ang sikat ng araw, bago mag-tanghali.