Aabot sa 25 katao ang nakaranas ng diarrhea sa Midsayap, Cotabato.
Ayon sa kay Cotabato Integrated Provincial Health Office Environment and Sanitation Division Chief Engineer Ronilo Marba, posibleng dahil ito sa kontaminadong tubig.
Karamihan umano sa mga biktima ay pawang mga kapatid na Muslim.
Ang tubig umanong nagmula sa deep well ay posibleng kontaminado ng mga mikrobyo o parasites dahil sa pagbaha sa mga nakalipas na araw.