Aabot na sa 25 ang nasasawi sa mahigit isang linggong bakbakan sa pagitan ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at MILF o Moro Islamic Liberation Front sa Maguindanao.
Ayon kay 6th Civil Military Operations Chief of the 6th Infantry Division Col. Gerry Besana, hindi bababa sa 20 ang nasawi sa BIFF habang 5 naman sa panig ng MILF.
Nasa 10 miyembro rin ng MILF ang sugatan sa pagpapasabog ng IED o Improvised Explosive Device ng BIFF sa Barangay Tee.
Ani Besana, nagsimula ang bakbakan noong Agosto 7 matapos ang tangkang pagpasok ng BIFF sa isang lugar sa Datu Saydona na hawak ng MILF.
Sa ngayon ay nagbibigay ang militar ng artillery support sa MILF at nailikas na rin ang mga residenteng apektado ng bakbakan.