Sumampa na sa 25 ang patay sa pagsabog ng dalawang car bomb sa Mogadishu, Somalia.
Isa sa mga kotse ay ibinangga ng isang suicide bomber sa isang hotel na kalauna’y sinalakay ng mga armadong lalaki na ilang daang metro lamang mula sa Presidential Palace.
Makalipas naman ang ilang minuto, isa pang car bomb ang sumabog malapit sa dating parliament building.
Ayon sa pulisya, kabilang sa mga nasawi ang isang dating mambabatas na nasa hotel nang maganap ang insidente.
Inako na ng teroristang grupong Al-Shabaab ang panibagong pag-atake sa Mogadishu.
—-