Pinag-iingat ng Department of interior and Local Government o DILG ang may 25 lalawigan sa bansa kabilang na ang Metro Manila.
Ito kasi ang lumabas sa tala ng kanilang central office disaster information coordinating center na tiyak na makatitikim ng hagupit ng bagyong nona sa pagtama nito sa kalupaan.
Maliban sa Metro Manila, binabalaan din ng dilg ang mga lalawigan ng Zambales sa region 2, Aurora, Bataan at Bulacan sa Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA area, Bicol Region at Eastern Visayas.
Dahil dito, asahan na ang mga malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar batay na rin sa pinakahuling tala ng pagasa hinggil sa lagay ng bagyo.
By: Jaymark Dagala