Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 25-M pisong halaga ng mga smuggled na gamot sa lungsod ng Pasay.
Sa abiso ng BOC, napag-alamang pawang mga German medicines ang nasabat na gamot na kinabibilangan ng mga gamot para sa coronary circulatory disorder at maging ang gamot na para sa sexual enhancement.
Bukod pa rito, may nakumpiska ring gamot para sa liver diseases at para sa mga may matataas na altapresyon. Samantala, hindi naman pinangalanan ng BOC ang pinanggalingan ng shipment ng mga gamot na ito.