Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na 25 pa sa kanilang personnel ang gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan upang umakyat na sa 7,437 ang recoveries sa hanay ng pambansang pulisya.
Ayon sa PNP, umakyat na sa 7,817 ang confirmed cases sa kanilang hanay kasunod ng napaulat na 18 new infections habang nananatili sa 25 ang kanilang death toll.
Samantala, nasa 355 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa loob ng PNP.