Aabot sa 25 indibidwal ang nasawi habang 20 ang sugatan sa naganap na pagsabog ng Coal mine sa Turkey.
Naganap ang pagsabog sa state-owned TTK Amasra Muessese Mudurlugu mine sa Amasra.
Ayon kay Energy Minister Faith Donmez, batay sa preliminary Assessment, sinasabing firedamp ang naging sanhi ng explosion.
Ilang Rescue Team ang ipinadala sa lugar, kabilang ang mga kalapit na probinsya.
Sinabi naman ni Pangulong Recep Tayyip Erdogan na kinansela nito ang isang nakaplanong pagbisita sa timog-silangang lungsod ng Diyarbakir at sa halip ay maglalakbay sa Amasra upang i-coordinate ang rescue operation. —sa panulat ni Hannah Oledan