Patay ang 25 indibidwal habang 50 naman ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang military hospital sa Kabul City, Afghanistan.
Ayon kay Taliman Spokesman Bilal Karimi, pinasok umano ng Islamic State Affiliate Khorasan (ISKP) ang nabanggit na ospital na nagresulta sa dalawang malakas na pagsabog.
Nabatid na target na sirain ng mga suspek ang 400 bed sa Sardar Mohammad Daud Khan Hospital kung saan, unang pinasabog ang labas ng ospital.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad dahilan para magresulta sa bakbakan at pagkasawi ng apat na armadong lalaki.
Inako naman ng islamic state ang responsibilidad sa naganap na pagsabog. —sa panulat ni Angelica Doctolero