Tinatayang nasa 25 ang nasawi sa naganap na pagsabog sa labas ng isang eskwelahan sa kapitolyo ng Afghanistan.
Ilan sa mga binawian ng buhay ay kabilang sa shiite hazara community na pawang naninirahan sa lugar.
Aabot naman sa 52 ang nasugatan kungsaan ilan sa mga ito ay estudyante.
Madalas na umanong target ng pagpapasabog ng Sunni Islamist militants West Kabul district sa Dasht-e-Barchi, Afghanistan, na isang mataong lugar kungsaan marami ang namimili bilang paghahanda sa pagdiriwang ng eid-al-fitr sa susunod na linggo na syang simbolo ng pagtatapos ng Ramadan, ang holy month of fasting ng mga kapatid nating Muslim.
Naganap ang insidente kasabay ng patuloy na pagpull-out ng nasa 2,500 na tropa ng mga Amerikanong sundalo doon matapos na bigong matuldukan ang ilang dekada nang kaguluhan at sagupaan sa pagitan ng Taliban at Afghan government.