Dalawampu’t lima (25) katao ang patay sa bakbakan sa pagitan ng Islamic State at kalaban nitong Islamist group sa siyudad ng Sirte sa Libya.
Kabilang sa mga nasawi ang ilang kababaihan at bata na tinamaan sa palitan ng putok ng magkabilang panig.
Ayon sa report, karamihan sa mga nasawing biktima ay mga armadong sibilyan sumama na sa pakikipaglaban.
Matatandaang ang IS ang nangungunang grupo na lumalaban para makuha ang kontrol o masakop ang Libya.
By Ralph Obina