25 ang patay habang sugatan naman ang nasa 17 indibidwal sa gitna ng kilos protesta sa Gorno-Badakhshan Autonomous Province na sakop ng Tajikistan.
Base sa impormasyon, nagkaroon ng sagupaan kung saan, target umano ng mga miyembro ng Tajik Regime ang isang itinuturing din na Tajik at separate ethnic group na Pamiri Ethnic Minority na may ibang mga tuntunin sa wika, relihiyon at kultura.
Nasawi ang nasabing mga biktima dahil sa naganap na karahasan at alitan sa rehiyon bunsod ng kumplikadong relasyon sa pagitan ng mga nabanggit na grupo at central government.
Nabatid na ang naging dahilan ng bakbakan ay ang pagkaroon ng pang-aabuso sa karapatang pantao maging sa diskriminasyon sa mga trabaho at pabahay.