Umakyat na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng tropical storm Julia sa Central America, kung saan karamihan sa mga biktima ay mula sa El Salvador at Guatemala.
Ayon sa Salvadoran authorities, 10 indibidwal ang nasawi, kabilang ang limang sundalo, habang nasa 1,000 katao ang inilikas.
Walo ang nasawi sa Guatemala habang pito ang sugatan at daan-daang indibidwal ang naapektuhan.
Lima naman ang napaulat na namatay sa Honduras, kabilang ang 4-anyos na batang lalaki.
Kinumpirma naman ng emergency services ng Panama ang dalawang nasawi bunsod nang malalakas na pag-ulan, habang nasa 300 katao ang nananatili sa evacuation centers.
Noong linggo nang mag-landfall ang Bagyong Julia sa Caribbean Coast ng Nicaragua bago ito tumawid sa Pacific Ocean.