Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang hirit na pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa sa Northern Mindanao.
Bunsod nito ay makakaranas ng 25 pesos na dagdag-sahod ang mga manggagawa sa kanilang daily minimum wage.
Sa ilalim ng bagong sahod, ay magiging 405 pesos na ang sahod para sa non-agriculture na sektor habang 393 pesos naman sa mga manggagawa ng agriculture sector na nagtatrabaho sa mga siyudad ng Cagayan De Oro, Iligan, Malaybalay, Valencia, Gingoog, El Salvador, at Ozamis, pati na rin ang mga bayan ng Tagoloan, Villanueva, Jasaan, Opol, Maramag, Quezon, Manolo Fortich, at Lugai.
Inaasahan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 152,924 na manggagawa at 54,851 domestic workers ang makikinabang sa bagong sahod.