Nasayang lamang ang nagkakahalaga ng P3-M palm oil matapos matumba ang isang trailer truck lulan ang 25 toneladang sa isang kalsada sa Iloilo City.
Base sa salaysay ng truck driver paakyat siya ng tulay nang matanggal ang isang gulong ng minamanehong truck dahilan para matumba ang sasakyan.
Matapos ang aksidente ang mga residente at kaniya-kaniya nagsikuhaan ng natapong mantika
Pinatigil naman ang mga ito ng awtoridad dahil posibleng kontaminado na anila ang mantika at hindi na puwedeng gamitin sa pagluto.
Habang pansamantalang isinara na muna ang kalsada at nilinis upang maiwasan ang aksidente.