Papatayin ang 250 mga baboy mula sa Bombon, Camarines Sur dahil sa African swine fever (ASF).
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Bicol, ang naturang mga baboy ay mula sa 13 barangay sa Bombon na apektado ng ASF.
Kaugnay nito, nagdeklara na ng lockdown sa naturang bayan kung saan mahigpit nang ipinagbabawal ang paglalabas ng mga meat products.
Habang ang mga veterinary personnel na magsasagawa ng culling ay ilalagay sa isolation sa loob ng 15 araw.