Naka-quarantine ang may 250 health care workers ng Philippine General Hospital (PGH) matapos mag positibo sa COVID-19.
Ayon ito kay PGH Spokesperson Jonas Del Rosario sa gitna na rin nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Del Rosario na ipinatutupad ang crisis response ng PGH matapos i update ng IATF ang isolation at quarantine protocols para sa healthcare workers.
Basta’t wala aniyang sintomas ay tuloy lamang ang trabaho ng kanilang mga healthcare workers lalo na’t hindi naman nila kayang i-quarantine ang maraming empleyado, duktor at nurses gayundin ang mga support staff dahil wala nang matitira sa kanilang ospital.
Kasabay nito, ipinabatid ni Del Rosario na para maprotektahan ang kanilang healthcare workers, ini-level up na nila ang personal protective equipment (PPE) kasama ang N95 face mask at nagsasagawa na rin ang management ng arawang monitoring ng kondisyon ng mga ito.