Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Tan Wee na ligtas ang dalawandaan at limampung Pilipino sa Lombok at Bali sa Indonesia matapos ang 6.9 magnitude na lindol.
Tiniyak ni Wee ang patuloy na monitoring sa mga pinoy sa mga nasabing isla dahil may mga aftershocks pa.
Ginagamit na aniya nila ang social media para mabilis na makontak ang mga pilipinong kailangan ng assistance.
Nabatid na dalawampung libo katao ang nawalan ng bahay lalo na sa Lombok at walumpung porsyento ang nasirang establishments dahil sa nasabing lindol.
Lumobo na rin sa isangdaan at lima ang death toll dahil sa malakas na lindol.