Iniimbestigahan na ng BIR ang unang batch ng 250 social media influencers.
Kasunod na rin ito nang pag-i-isyu ng BIR ng LOA o Letters of Authority para imbestigahan ang ilang social media influencers na “top earners” o kumikita ng malaki sa kanilang Vlogs.
Ayon sa DOF, ang mga social media influencer na kumikita mula sa kanilang post sa digital media ay maituturing na self-employed individuals o nagne-negosyo bilang sole proprietors, kaya’t ang kita ng mga ito ay ikinukonsider na business income.
Dahil dito, sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na hinihikayat nila ang mga nasabing influencers na magparehistro para makapagsagawa sila ng profiling sa mahigit 250 personalities at maimbestigahan ang mga ito para makapagbayadng tamang buwis sa kanilang kita.