Mahigit dalawang libo at limandaang (2,500) ektarya ng taniman ng palay at mais ang nasira ng matinding pagbaha sa Zamboanga del Norte.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) halos walondaang (800) ektaryang taniman ng mais at palay ang matindi ang pinsala at hindi na mapapakinabangan pa.
Nangako naman ang gobyerno na mamamahagi ng mga bagong seedlings para matulungan ang mga apektadong magsasaka na makabawi.
By Judith Larino