Nananatiling bakante ang nasa 250,000 job positions sa gobyerno sa bansa.
Kaya naman kinalampag ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga wala pang trabaho sa bansa na punan ang mga naturang posisyon partikular na sa posisyon sa civil service, military at mga uniformed personnel.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kailangan din ngayon ng pamahalaan ng mga karagdagang guro.
Libu-libong trabaho rin aniya ang naghihintay sa mga Pinoy para sa iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Health (DOH), Department of Justice (DOJ), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
—-