Umabot na sa 25,000 barangays sa buong bansa ang nakapagpatayo ng community gardens sa ilalim ng “kalinisan day” Campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaang inilunsad ang nasabing programa noong January 6 sa bisa ng Memorandum Circular no. 41.
Dito, inatasan ang mga barangay na magtatag ng community gardens na tataniman ng18 gulay mula sa kantang “Bahay Kubo.”
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), posibleng maresolba ng programang ito ang ilang mga isyu sa kalinisan, kagutuman, kahirapan, kalikasan, climate change, at global warming.
Pagtitiyak ng DILG, patuloy na sinisikap ng ahensya na magkaroon ng mas malinis na komunidad na alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos.