Nakagawa ng kasaysayan ang lungsod ng Maynila matapos mabakunahan kontra COVID-19 sa loob ng isang araw lamang ang mahigit 25,000 katao.
Ipinabatid ng Manila Public Information Office na noong June 14, Lunes pumapalo sa 25, 668 ang nabakunahan kumpara sa 21, 824 noong May 29.
Sumipa na rin sa 10,439 katao ang nakatanggap ng second dose ng mga may comorbidities samantalang nasa 10, 165 na economic frontliners ang nakakuha na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Sa pinakahuling record ng Manila City government nasa 255, 791 individuals ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang nasa 124, 364 ang naturukan ng second dose.