Mawawalan ng tubig simula ngayong araw ang 26 na barangay sa Quezon City.
Batay sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., ipinatupad na ito simula alas-10 kagabi hanggang alas-4 ng madaling araw na magtatagal sa Hunyo a-1.
Ang mga lugar na maaapektuhan ay ang; Brgy. Apolonio Samson, Bagbag, Balingasa, Marcos, Doña Josefa, Lourdes, Maharlika, Manresa, Masambong, N. S. Amoranto, Nagkaisang Nayon, Paangbundok, Saint Peter, Salvacion at Brgy. San Agustin.
Habang kasama rin sa mawawala ng tubig simula ngayong araw ang Brgy. San Bartolome, San Isidro Labrador, San Jose, Santa Teresita, Santo Domingo, Sauyo, Siena, Sta Monica, talayan, Talipapa at Brgy. Tatalon.
Layon ng gawain na matugunan ang pagkaubos ng tubig mula sa imbakan dahil sa taas ng demand sa gitna ng tag-init.