Nakasailalim pa rin sa Alert level 2 ang 26 sa 41 lokalidad sa Quezon Province.
Ayon kay Dr. Tiong Eng Roland Tan, Head ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), dahil ito sa mababang antas ng pagbabakuna sa lugar.
Hanggang nitong Hunyo a-12, 1, 021, 300 residente o 63% pa lamang ng populasyon ang nabakunahan sa Quezon Province.
Kasama rito ang 106, 189 senior citizens na nakatanggap ng bakuna.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang pagsasagawa ng Intensified COVID-19 Vaccination Drive in Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) ng DOH sa Quezon para marami ang mahikayat pang magpabakuna kontra COVID-19.